Tuesday, October 26, 2010

'Till DEBT do U.S. Part

This blog story is based from the experience I gain for being a callboy from different financial institution of the U.S.
Pagtungtong ni Pakoy sa edad na18 pwede na nya gawin lahat ng gusto nya ng walang parental consent. Kasama na dyan kung saan nya gusto mag-aral? Anong modelo ang ilalabas nyang kotse? At kung saan nya itatayo ang kanyang unang bahay?

Para maisakatuaparan ang lahat ng eto, iisa lang ang kasagutan. PAGIBIG! Este tungkol sa U.S pala ang blog na eto. Syempre at the tender age of 18  hindi nya pa kaya bilhin lahat yan ng Cash. Pwera lang kung nanalo  siya sa Lotto. (May lottto ba sa U.S? Hehe.). Kaya ang sagot ni Pakoy, "Start building an excellent credit score." Simulan na ang utangan.

Wanna make friends with Pakoy? Huwag ka mag-alala hindi ka niya uutangan kasi tingin nya mas mapera siya. Yun ay dahil he is busy making money all his life. Hindi lang iisa ang trabaho nya. Pwede sya magdouble job, above job at below job sabi nga ni pareng Navarette.

Alin sa tatlo ang una nyang uutangin? pag-aaral, kotse, o bahay? Syempre kahit ako pasikat muna. Maglabas ng bagong kotse. Dahil sa U.S., walang dyip, walang tricycle at wala din pedicab. Alangan naman maglakad si Pakoy ng milya - milya sa ilalim ng araw o sa ibabaw ng snow.


Para mas makahanap ng mas magandang trabaho si Pakoy, kelangan mag-aral. Mas mataas ang pinagaralan, mas mataas ang suweldo. Therefore, mas makakabayad ng utang si Pakoy. To make dreams come true, dyan papasok ang Educational Loan. Utang na naman? Talagang ganun.

Pwede naman mag-apply si Pakoy sa  Grant at Scholarship Programs kaya lang para lang yun sa mga taong pinagkaloooban ng galing at talino. Kung wala si Pakoy nun every Semester siya mangungutang ng pang-tuition at pang-allowance. "Dont worry Mr. Pacman you're not required to make a payment while you're still in school". Sabi ng kanyang Loan Advisor.

Isipin mo na lang kung gaano kalaki ang papatong na interest sa kanyang Educational Loan after 4 or 5 years. Kaya pag-graduate ni Pakoy, matatangap na nya sa wakas ang kanyang Diploma at ang kanyang repayment plans.

Dahil sa maganda naman ang credit ratings ni Pakoy maga-apply pa sya for mortgage para magkaroon ng sariling bahay. Syempre utang pa din. Meron na syang sariling bahay, may sariling kotse at nag-aaral sa mamahilng University. Masarap sana ang ganito kaya lang isipin mo, tuwing araw ng sahod dadaan lang sa kamay mo ang pinaghirapan mo.

Kahit gaano kasipag, kung minsan kinakapos din si Pakoy kaya gagamitin ang kanyang credit card na pambayad sa utang. Ibig sabihin utang ulit ang pinang-bayad ni Pakoy sa utang nya. Ok lang sana kung malakas kumita habang buhay si Pakoy dahil parang habang buhay na din nya babayaran ang utang nya.

Kotse = 5-10 years to pay
Educational Loan = 20-30 years to pay
Bahay = 30-40 years to pay.
Credit Card = As long as you have one. 

Kaya kung lubog ka na sa utang huwag ka mag-alala  hindi ka nagi-isa. Nandyan si Pakoy, nag-rally nga sila last year eh. Sayang di ka nakasama. Panoorin mo na lang. Hulaan mo kung sino si Pakoy dyan.

Monday, October 25, 2010

Wanna be one of us?

Sa panahon ngayon, ang salitang Call center agent ay hindi na bago sa pandinig. Ngunit meron pa rin mga iba dyan na gusto malaman kung paano maging isa sa kanila.

Bakit nga ba hindi, aside from mas mataas ang sahod dito kahit sino basta marunong mag-english at magcomputer puwede. Oo, as in no age limit. Wala pang nepotism, kahit isama mo lahat ng kamag anak mo, katropa mo, at textmate mo sa pag-apply pwede.

Kung paano? Para sa inyo ang blog na eto. Panoorin muna ang file video na eto bago ipagpatuloy ang pagbabasa.


(Opps! linawin ko lang po, hindi po ako taga-PLDT. Eto po ay kung paano mag-apply sa Call Center in general.)

Gusto mo bang maging isa sa kanila? Teka tingnan muna natin kung qualified ka.

Age: 18 y/o pataas. Ano qualified ka ba? But wait theres more...

Education: At least finished 2nd year college or equivalent. Ibig po sabihin ng equivalent ay kung nag-take ka ng vocational course or associate course for two years. Kunyari Caregiver. Ano pasok pa ba? Huwag mag-alala kung ikaw ay High School Graduate lang dahil qualified ka pa din sa ibang Call Centers tulad ng ICT na ang Main Office ay sa Ortigas. Kung ikaw ay sa probinsya meron din sa Cabanatuan, dun sa Mega Mall, este Mega Center pala.

At kung ikaw ay nakapagtapos ng Graduate School tulad ng Bachelor of Laws, Masteral degree, PhD or Post Doctoral Degree. Ay, sumobra ata ako. Syempre hindi ka na mag-aapply sa call center kung ganyan na kataaas ang educational level mo. Pero kung gusto mo pa rin i-try, then you are very much welcome.

English Proficiency: Excellent! Huwag mong sabihin nagulat ka? Dapat lang na marunong ka mag-english kasi yun ang magiging trabaho mo. English would be your language most of your waking hours. Ako nga sa panaginip ko nage-English pa ako. Akala ng room mate ko inuwi ko trabaho ko sa bahay. Wahaha.

Excellent English Proficiency doesn't mean you have the American Accent. As long as you have straight, clear English which is gramatically correct, then you're qualified to join our nocturnal world.
Whew, dumugo ilong ko dun sa straight English na yun ah. Two paragraph na English, hirap nun ah.

Ano qualified ka ba? Apply na. Gusto mo refer kita? Sige email mo ako para sila na tatawag sa'yo kung nahihiya ka mag-walk in.

Saturday, October 23, 2010

As easy as A-B-C

Bata pa lang tayo tinuturuan na tayo ng ating magulang ng ABC. Akala natin magagamit lang natin eto sa elementary at spelling. At akala nyo ba madali lang ang spelling lalo na kapag ibang lahi ang kausap nyo? Kahit parehas kayong may diploma sa sa college ay hindi pa rin magkaintindihan sa pag-spell ng A-B-C?

Pakingan natin ulit



Kita nyo na pati yung supervisor di rin nya maintindihan. Kaya kung sa tingin mo madali ang spelling? Think again. Hehehe:)

Tumahimek ka

Alam nyo ba na pag minura ng customer ang isang call center agent ay pwede nya rin etong murahin. Oo, tama ang iyong nabasa PWEDE. Kaya kung minura ka ng English murahin mo din ng English, Tagalog, Ilokano o Tsabakano bahala ka na. Basta bago ka bumawi ng mura para mailabas mo ang iyong himutok ay dapat mapindot mo ang MUTE button.

Dahil pag nabigkas mo na ang di mo dapat bigkasin tsaka mo napindot ang MUTE button sabay sabi mo sa sarili mo na "ay mali" patay ka sa iyong Quality Especialist at pwede ka pang maisyiuan ng incident report. Ganito ang nangyari sa isang Tech Support ng PLDT.

Pakingan natin.



Kaya ang lesson, huwag na lang bumawi. Lagi natin iisipin na sila ay nagrereklamo for a cause. I know how it feels to be a an unsatisfied customer. And I also know how it feels when an stranger throws you word that really hurts especially when you are just doing your job.

Keep in mind that all tehse stuff are not personal. Kung galit man sila its not for you. Its just that they are calling for help.

Call Center Bloopers

Actual c0nversati0n sa isang technicaL acc0unt sa C-Cubed (Cust0mer C0ntact Center) habang nakabarge sa bidang agent na it0 yung seni0r rep ng team
niLa:

TSR: 0kay sir, Let's check if y0u wiLL be abLe t0 g0 0nLine n0w...
CUST: yes... (yes Lang ng yes kase et0ng HAPON na it0... )
TSR: type in www.yahoo.com
CUST: what? yahoo.cot?
TSR: n0 sir... yahoo.com...
CUST: yahoo.cot?
TSR: n0 sir... com... C-O-M
CUST: cot?
TSR: (asar na) .com sir!
CUST: aahhh... yahoo.cot.
----------------------------------
TSR: It's C as in CAT.
CUST: what?
TSR: C as in CAT. C-A-T... me0w me0w...
(ayuz! very specific na yan ha baka hindi m0 pa magets...)!
----------------------------------
CS: Thank you for calling... this is Candy, how may I help you?
Cust: What did you say your name was... Mandy?
CS: No, sir, it's Candy...
Cust: Sorry, can't hear ya... didja say Mandy?
CS: No, sir.. Candy, sir... Candy... as in Storck!!!
(oohhh... now I get it!!!)
----------------------------------
CS: Was that a "B" as in boy or a "B" as in bravo?
Cust: Uhhmmm... how about "B" as in boy...
(good choice...)
----------------------------------
CS: Alright, let me verify that... Was that a "G" as in golf?
Cust (with a different accent): NO! That was a "G" as! in GEBRA! (z as in zebra)
Oh, Gebra!!! like the one in the Goo?!!!... Gusme... Gon't gou get git?)
----------------------------------
CS: Yeah, sir... sir... are you there?
Cust: Yes, yes, I'm there!
(siguro naglalaro sila ng Counter...)
----------------------------------
CS: Sir, do you have NET-ESCAPE there?
Cust: Huh?... Oh!!!.. No, I have MSN IN-NERNET EXPLODER here...
(... makes sense to me!!!)
----------------------------------
TS: Ok, sir... do u have a PEN and a PENCIL ready?
Cust: What?!!
TS: Oh, Im sorry, sir... Do u have a PEN and a BALLPEN ready?...
(klap! klap! klap!)
----------------------------------
ethernet cord connected???...
Cust: Tha Hwhut??? (with alabama accent)
TS: Yung yellow cord, mheem...
(oh-oow ngee nehmeeennn..)
----------------------------------
CS: ...That's E as in I-KOW... (echo)
(oki lang yan, Dong...)
----------------------------------
CS: Come again, sir?!!!
Cust: Oh sure, baby!!!
(negro siguro kausap neto...)
----------------------------------
TS: Ok, sir, this is ano... what you'll do... you have to type the ano...the command run and ano...
(...teypows enow???)
----------------------------------
Cust: So, do i have to wait for advice regarding the delivery?
CS: Sir, the package has been delivered and all we have to do is wait POR FICK UP schedule...
(... I can PEEL it!!!)
----------------------------------
CS: I w! as hoping you can take this survey with me... Would you have the time to do that, sir?
Contact: How long is this gonna to take?
CS: Mmm.. MGA three minutes....
(ay shyet!!!)
----------------------------------
CS: ...I'd like to speak with Billy Thompson please???
Contact: He's not in. Would you like to leave a message in his voicemail?
CS: Sure, SIGE...
(ay shyet, ulet!!!)
----------------------------------
local client kaya mostly pinoy and callers, usually from visayas...
Cust: hiillo! wala kasi yung bell ng pon namin???...
CS: Hindi naman po ba nabagsak yung phone?
Cust: Hende naman...
CS: Kailan pa po ito nagsimula?
Cust: Ang alen?
CS: .Na hindi po nagri-ring yung phone?
Cust: Nagre-reng naman ah?!
CS: Di ba wala pong ring?
Cust: Hende! yong BELL!.. yong lestahan nong babayaran namin!!!...
CS: aahhh... yung BILL?!!!
(hende kase nagve-verefie mabote... tsk, tsk, tsk...)
----------------------------------
TS: Ok, sir... Could you please drag the icon UPSTAIRS?...
(... lemme try...)
----------------------------------
Cust (US): So how's the weather there?
CS: Well... it's kinda cloudy today, sir...
Cust: Oh really?!!!... So where are you located?
CS: Sir, your call has been re-routed in ORTIGAS!!!...
(... dats nir Mexico...)
---------------------------------
TS: Alright, we're going to perform a checkdisk... that is for us to see if your hard drive has errors in it.please type in C-H-K-D-S-K...
Cust: What is that again?
TS: C-H-K-D-S-K... that is... C as in Charlie... H as in Harley... K as in Karly... D as in Darley... S as in Sarley... and K as in Karly...
(gleng-gleng... bagong version...)

Source: http://www.dyoks.com/jokes/joke.cfm?jokeid=1263

Buhay Call Center

1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na
nila sayo ay "boarder" at sinisingil ka na nila sa upa mo.

2. pag sasagot ka ng telepono, lagi na lang may opening
spiel…example:*toot* …. thank you for calling (the company) this is
(your name) how may i help you?

3. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15mins break nyo, itinutulog
mo na lang para fresh pagkacalls uli, mya na yung 1 hour nap.

4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming
tao,at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way.

5. marami ka nang naiipong jacket… nakakahiya naman kung pare-pareho jacket mo araw-araw at super ginaw naman pag wala.

6. sanay kang maglakad-lakad ng nakamedyas.

7. ang tawag mo sa mga friends mo…dude, bro, coach,tl, sup.

8. di na dugo ang dumadaloy sayo… kape!

9. finefake mo na wag maging "slang" pag nagbabayad ka sa tindahan o
kaya sa jeep para wag akalain na pasosyal ka… masama pa, mas panget
pakinggan.

10. tadaaaaa! nagsasalita ka sa pagtulog mo, pati calls mo napapanaginipan mo.

11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.

12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.

13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat
lang… *sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa
trabaho eh**

15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic.

16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.

17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.

18. maski sa bahay, mabilis kang kumain.

19. hindi ka na kilala ng aso nyo

20. ayaw mo na mag-jeep. kailangan taxi or kaya aircon na bus.

21. wala ka nang alam na balita.

22. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na’t alam mong successful lahat ng ka-batch mo.

23. sasabihin mo field ng trabaho mo IT, di call center.

24. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..

25. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..

26. pag payday… olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun..:P

27. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng noon time show!

28. hindi mo na kilala ang mga bagong artista.

29. hindi mo na alam itsura ng mall…

30. di ka na maebs sa bahay, sanay ka na sa cr ng 6th floor or ibang floor.

31. madalas kulang gamit mo sa bahay dahil nasa locker

32. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!

33. alam mo kung sino si Avaya

34. sanay ka nang pumasok ng bagong gising… kakabangon lang galing sleeping lounge.

35. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT+ DEL iba ang lalabas.

36. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay.

37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig!)

38. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila

39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!

40. mabilis ka ng mag pabili ng corn bits at chicharon sa ermats mo…

41. nakapanood ka na ng rally sa Ayala

42. pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe

43. nakita mo na lahat ng klase ng vendo machine

44. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

45. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

46. sanay ka na makarinig ng napakalakas na pag singa ng sipon.

47. marami ka ng naipon na microwavable container

48. marami kang ketchup packs galing mcdo at jollibee

49. pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan  ang ibig sabihin ng ticket..

50. hindi ka na sanay umakyat ng hagdan

51. pag gumagamit ka ng cr,, di ka na nagpa-flush.. kc akala mo kusa na lulubog ebs mo.

52. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..

53. during office hours, hindi ka lalabas ng building ng walang dalang relo. baka ma-over break.

54. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo.

55. marunong ka na makipagsagutan at makipagbarahan ng english

56. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwatro ng umaga

57. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas.

58. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay clear cache at  cookies.

59. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..

60. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay

61. kala mo libre ang kape sa select…

62. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng  parking.

63. pag nag cr ka…sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl…

64. nakaipon ka na ng mouse ball sa bahay

65. nagulat ka ng masabi mo ang opening spiel mo habang nagbabayad sa jeep

66. naka id ka pa kahit nasa jeep

67. kaya mong tiisin na hindi palitan ang damit mo ng 16 hours

68. pagtinanong ng mga ka tropa mo kung ano ang sinusupport mo…
 sabihin mo msn.com (hahahaha!) kasi pag sinabi mong passport, hindi
nila alam yun.

69. mas sanay ka na mag Ctrl+C & Ctrl+V at nahihiya ka na ngayon mo lang nalaman yun.

70. madalas mo harangin ang mga calls

71. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. pag-uwi mo nandun pa rin.
72. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!

73. gusto mo nang lumipat sa makati

74. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, nagsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!

75. minumura mo pag nakatalikod kahit sinong amerikano na makita mo. *yan ung kausap ko kanina!!!**

76. pag tinatamad ka tumanggap ng tawag, matapang ka na  at alam mo na ang gagawin:

77. puro kalyo na ang wrist at daliri mo

78. sanay ka nang makipag-usap sa telepono sa bahay kahit malakas ang
TV. sa office parang limang TV ang nakatapat sayo habang may kausap.

79. pumasok ka na ng puyat, lasing at gutom

80. may picture ka ng nakasuot ng headset

81. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata. hindi pwede pahuli.

82. lahat ng style ng pagtulog maiisip mo.

83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala

84. mas gusto mo na mag warm transfer sa ibang department para makatulog ka habang naka-mute at nakikinig sa usapan nila

85. yung ex mo may kasama ng iba

86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad.

87. d2 ka na sa opisina nakakabili lahat ng gamit mo: kwintas, sabon,
shampoo, tocino, longganisa, hikaw, magazine, aso, libro, tshirt,
prepaid card, eload, dvd, vcd, yema, corn bits…

88. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave

89. palaging matabang ang kape sa office

90. imposibleng hindi ka pa nakatanggap ng memo

91. gusto mo na din bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo.

92. nakakausap ka na ng pilipino sa ibang bansa

93. dami mo na naiipon na stirrer (red) galing starbucks kakabili ng kape.

94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.

95. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pagkain sa pantry.

96. dito ka lang makakakita ng pinagsama-samang tinda na: medyas,
vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng
pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant,
kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags
wallet, sinturon, mamon, hamon…

97. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda  hotel’s pancit canton, wendy’s. north park, starbucks

98. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa.

99. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!!!

100. may bago kang damit kada sweldo dahil takot ka makarinig nanaman na paulit-ulit ang suot mo.

101. Lahat ng kaibigan mo kinakahiya at minamaliit nila ang ginagawa mo… Pero pag dating sa araw ng sweldo nagpapalibre sayo.

102. Lahat ng nanglalait sayo na sa call center ka nag tratrabaho, ngayon nakikita mo sa lobby na nag-aapply.

103. Eto na ang tinuturing mong Buhay!
Source: http://grejeabangan.blog.friendster.com/2008/04/buhay-call-center/.