Tuesday, December 14, 2010

Call Center Bloopers Part II



This is a true story from the Word Perfect Helpline, which was transcribed from a recording monitoring the customer care department. Needless to say the Help Desk employee was fired; however, he/she is currently suing the Word Perfect organization for 'Termination without Cause'. Actual dialogue of a former Word Perfect Customer Support employee. (Now I know why they record these conversations!) :

Operator : 'Mark Spencer, computer assistance; may I help you?'
Caller : 'Yes, well, I'm having trouble with Word Perfect.'
Operator : 'What sort of trouble??'
Caller : 'Well, I was just typing along, and all of a sudden the words went away'
Operator : 'Went away?'
Caller : 'They disappeared.'
Operator : 'Hmm So what does your screen look like now?'
Caller : 'Nothing.'
Operator : 'Nothing??'
Caller : 'It's blank; it won't accept anything when I type.'
Operator : 'Are you still in WordPerfect, or did you get out??'
Caller : 'How do I tell?'
Operator : 'Can you see the C: prompt on the screen??'
Caller : 'What's a sea-prompt?'
Operator : 'Never mind, can you move your cursor around the screen?'
Caller : 'There isn't any cursor: I told you, it won't accept anything I type.'
Operator : 'Does your monitor have a power indicator??'
Caller : 'What's a monitor?'
Operator : 'It's the thing with the screen on it that looks like a TV. Does it have a little light that tells you when it's on??'
Caller : 'I don't know.'
Operator : 'Well, then look on the back of the monitor and find where the power cord goes into it. Can you see that??'
Caller : 'Yes, I think so.'
Operator : 'Great. Follow the cord to the plug, and tell me if it's plugged into the wall.
Caller : 'Yes, it is.'
Operator : 'When you were behind the monitor, did you notice that there were two cables plugged into the back of it, not just one??'
Caller : 'No.'
Operator : 'Well, there are. I need you to look back there again and find the other cable.'
Caller : 'Okay, here it is.'
Operator : 'Follow it for me, and tell me if it's plugged securely into the back of your computer.'
Caller : 'I can't reach.'
Operator : 'Uh huh. Well, can you see if it is??'
Caller : 'No.'
Operator : 'Even if you maybe put your knee on something and lean way over?'
Caller : 'Oh, it's not because I don't have the right angle - it's because it's dark.'
Operator : 'Dark??'
Caller : 'Yes - the office light is off, and the only light I have is coming in from the window.
Operator : 'Well, turn on the office light then.'
Caller : 'I can't.'
Operator : 'No? Why not??'
Caller : 'Because there's a power failure.'
Operator : 'A power......... A power failure? Aha, Okay, we've got it licked now. Do you still have the boxes and manuals and packing stuff your computer came in??'
Caller: 'Well, yes, I keep them in the closet.'
Operator : 'Good. Go get them, and unplug your system and pack it up just like it was when you got it. Then take it back to the store you bought it from.'
Caller : 'Really? Is it that bad?'
Operator : 'Yes, I'm afraid it is.'
Caller : 'Well, all right then, I suppose. What do I tell them??'
Operator : 'Tell them you're too f --- ing stupid to own a computer!!!!!'

Source: http://yasminjokes.blogspot.com/2008/03/actual-call-center-conversations-part.html

Monday, December 6, 2010

Paano kung walang Call Center sa 'Pinas?


Paano nga ba? Siguro ako at ang mga katulad ko na humigit kumulang 350,000 Call Center Agents nationwide ay sumasahod ng mas maliit kaysa kinikita namin ngayon. Pero yun nga lang, siguro hindi kami puyat.

Siguro wala kang masasalubong  na bagong ligo na papasok sa gabi at uuwi ng umagang-umaga eh ngarag na. Wala ng everyday hiring.Walang aplikante na aabutin ang hating gabi para lang matapos ang one day application process. Wala kang makikita  na nagkukumpulan at nagyoyosi sa harap ng building disoras ng gabi.

Kung walang Call Center hindi kumita ang ating bansa ng humigit kumulang US$9 Billion this year which represent 49.5% of the country's gross domestic product (GDP) this year. Ibig sabihin halos kalahati ng ating GDP is attributed to Call Centers. This is according to ABS-CBN NEWS.

Most of the Call Center Agents I know use their income to send themselves or someone to school, support their familiy and bring food to the table.

Kaya kahit pagod at puyat araw araw,atleast we are doing something for the benefit of our love ones and our country. Yan lang muna at matutulog pa ako. Mamayang gabi pasok na naman. Zzzzzz.......

Saturday, November 27, 2010

When not to say God Bless you?



Two days na lang December na naman.. Eto ay masayang buwan na ating ginugunita among Christians all over the world but not all.


Just recently we were advised NOT to greet our callers "Merry Christmas" nor "God bless" you because this word might ruin our day. The next question is why? One of our agent, the supervisor continued, end the call with "God bless you" and the customer start looking for a manager. The customer became irate and informed the manager not to allow their agents to say "God bless you" because not all callers are Christians.

Napaisip tuloy ako bakit ang customer na eto ayaw nya marinig ang katagang "God bless you". It is really frightening because the name "Jesus Christ" is just a mere expressions to him. Is this customer not afraid of the third Commandment of God?
Thou shalt not take the name of the Lord thy God in vain; for the Lord will not hold him guiltless that taketh his name in vain. (Exodus 20:7)

Naalala ko tuloy noong may dollar coin pa ako, alam ko may nakasulat doon " In God We Trust". Dapat galit din sya sa pera kasi halos parehas lang yun sa "God bless you". Unfortunately, wala na ako dollar$ ngayon. When I check the Dollar coin images in Google wala na rin pala nakalagay na "In God We trust"? 

Napa-research tuloy ako kung kelan pa tinanggal ang "In GOd we trust sa Dollar coin at eto ang aking natunghayan from this source.

Since the 1950’s, "In God We Trust" has been our National Motto, and has been inscribed on the front of all coins and the back of all paper currency.
This new coin came out this month (March 2007). The U.S. Mint hopes the redesigned $1 coin will win acceptance with consumers.


New Dollar Coin

It does not have "In God We Trust" on it. Here's another way of phasing God out of America.

I have two things for you to ponder before you finish reading this blog. One, who is the U.S President in 2007 who hope to win the acceptance of these consumers instead of hoping to win the acceptance of God Almighty?

Second, what happened to the United States of America after removing the "In God We trust" seal?

Thursday, November 18, 2010

Call Center Terminologies


Account = This defines what business do you cater. Technical account, telecomunications, etc.

ACW =  Aftercall Work. Eto yung pinipindot pag tapos na ang tawag mo pero di pa tapos documentation mo. Dapat 1 minute lang kasi tatawagan ka ng workforce kapag sumobra ng 1 minute.

AHT = Average Handling Time. Eto yung kung gaano ka katagal sa isang tawag on the average. Mas maiksi AHT mas maganda.

Aux = eto yung pinipindot para magbreak, magmeeting o kaya maglunch.

Auto in = Eto ang pinipindot kapag sisimulan na ang pagtanggap ng tawag.

Avail = Konti lang ang tawag. Eto yung pinapanalangin lagi ng mga call centers agent. Hind ko alam bakit nag-apply pa sila as call center kung ayaw nila makatangap ng tawag.

Avaya = Eto yung tawag sa telepono.

Barge = eto yung ginagawa ng mga Q.A para panoorin at pakingan kung tama ang ginagawa mo. Huwag kang magalala pwede mo sila tanungin pag di ka sigurado sa gagawin mo.

Call in = Eto ang dapat mo gawin kapag di ka makakapasok. Take note hindi pwede ang text kahit wala ka na boses dapat tawag pa din. ahaha.

Call simulation = Eto yung para sa mga applicant na nakapasa sa preliminary interview. Magpapangap na customer yung interviewer tapos call center agent yung applicant. Practice kumbaga. Hehe

Ctrl + Alt + Del = Lock you PC.Pindutin mo yan bago ka umalis  ng station mo.

Client = Sila yung mga Bigboss sa call center. Karaniwan sa kanila ay Amerikano, Negro o kaya ay Indiano.

Dayoff = Eto yung gabi na wala kami pasok. Ang gabi sa amin ay araw. Kaya dayoff para rin ang tawag.

Escalate the call = Itransfer mo na yung call sa supervisor

Floor = Dito ang lugar kung saan tinatangap ang tawag.
Headset = sel explanatory

Ghost call = Eto yung pag tumawag sayo si Casper the friendly ghost. Ay, mali pala. Eto yung pag may pumasok na tawag pero wala naman sumasagot. Malay mo si Casper nga yun.

KPI = Key Performance Indicator. Eto ang panukat sa performance mo tulad ng AHT, attendance at Q.A.

Kids = Tawag eto ng mga Trainer/ TL Sa kanilang agents.

LOB = Line of Business. Eto yung mga department sa isang account.

Lunch = One hour break eto. Kahit Madaling araw pa yan, lunch pa din tawag namin dyan.

Nesting = Dito ka first time na tumawag. Dito may roving supurvisor na pwede mo pagtanguan kaya ok lang lagi magtanong.

OB = Overbreak. Huwag ka magalala hindi eto ibabawas sa sahod mo.

NCNS = No call No show. Nag absent ka ng hindi nagpaalam. Disqualified ka na for promotion. You have to wait 6 months for you to qualify again.

Personal Break = Eto yung ipapaalam mo sa TL mo kapag natatae ka na, nai-ihi, nau-utot oh gusto mo lang magpetiks. Alangan naman umutot ka sa station mo baka maamoy pa ng kausap mo sa telepono, este yung katabi mo pala.

Production = Dito nagaganap ang pagtanggap ng mga tawag.

Q.A. = Quality Assurance. Eto yung tagapuna ng mali mo. Kung wala kang mali di yung tama ang pupunahin nila. hehe

Queueing = Madaming tawag. Eto yung katatapos pa lang ng isang tawag mo. Bago mo malunok laway mo papasukan ka na naman ng bagong tawag.

Service Level = Ilan ang nasagot na tawag divided by ilan ang pumasok na tawag.

Spiel = Thankyou for calling. Basta yan na yun.

TL = Eto ang Tawag mo sa Supervisor mo. Pwede rin Sup.
Agent = Kami yun, mga call center agent. Gising sa gabi. Tulog sa umaga.

Warm transfer = Kausapin mo muna yung tao na pagta-transferan mo ng call bago mo itransfer.

Workforce = Sila yung gumagawa ng schedule ng mga agent.
Y-jack = Eto yung cord na ginagamit kapag gusto mo manood at makainig sa calls ng isang agent.

Zzzzz.... = Tulog yung agent Sa Floor.

Thursday, November 11, 2010

Pano kung yung Crush mo may P and F Syndrome?

 
Nakita mo yung crush mo na may kausap sa bago nyang cellphone. Lalapitan mo sana sya para magpa-impress kaya lang naunahan ka pa nya magpa-impress kasi bigla nyang in-english yung kausap nya nung alam nyang papalapit ka na.

Nakatingin ka na sa kanya at bumubilis ang pintig ng iyong puso habang papalapit ka sa kanya ng marinig mo yung sinabi sa kausap nya " BE NICE TO PAT FIFOL". Hindi ka makapaniwala sa narinig mo kaya lalo mo pinagbuti ang pakikinig habang kunyari may ka-text ka at sabi pa sa KAUSAF nya "Yes I will watch Manny FACQUIAO PIGHT  we have FAY-FER-BIEW FREMIERSIF FLUS matches.

Nagdalawang isip ka ngayon na lapitan sya kasi di pa sila tapos ng kausap nya sa cellphone kaya nginitian mo na lang sya. Ngumiti rin naman sya sayo at binati ka pa nga ng "HI PREN". Babalikan mo pa kaya sya pagkatapos ng kausap nya o TURN OPP ka na? Hindi FA? FANOORIN mo to para ma-PEEL mo ibig ko sabihin.



A PROPER CUP OF COFFEE IN A PROPER COPPER COFFEE POT.

Pati mga kano hirap din. Hehe. Ang mahirap sa P and F syndrome hindi natin alam na meron tayo nito hangang sa may iba makapagsabi sa atin. At kapag meron ka nito, naku po, huwag mo muna balakin mag-apply sa Call Center. Attend ka muna ng Call Center Training at smile lang muna sa crush mo para hindi mapurnada ang diskarte.

Friday, November 5, 2010

Power Hour


Mamayang madaling araw, at  2 a.m. on Nov. 7, 2010, groggy Americans will turn their clocks back one hour, marking the end of Daylight Saving Time (DST).

Taong 1986 - 2006 ang DST ay magsisimula first Sunday in April to the last Sunday in October. But starting in 2007, it is observed from the second Sunday in March to the first Sunday in November. 

 

 Bakit kailangan i-memorize ang pagdagdag at pagbawi ng isang oras? Ayon sa video na eto overly excited daw tayo during month of March. Exempted kami dito kasi sa umaga kami natutulog.



Ayon kay Wikipedia, dalawa sa naging Presidente natin gusto rin sana ipatupad ang Power Hour, este DST pala. The Philippines experimented with DST for short periods during the presidencies of Corazon Aquino (1986 to 1992) and Fidel Ramos (1992 to 1998). DST was primarily intended to help deal with the country's energy crisis by minimizing the number of hours during which electric lighting was needed. On April 2006, the Philippine Department of Trade and Industry again proposed that DST be implemented to help deal with rising oil prices.

Hindi pa isinasa-batas ang DST sa Pilipinas ganun pa man ang aming shedule next week ay mababago na dahil sa DST. Sa Lunes itatanong ko sa Team Lead  (TL) ko bakit sa halip na mas maaga ang pasok ay lalong pinagabi.


Monday, November 1, 2010

A-E-I-O-U


Sa wikang Filipino meron tayong limang patinig at yun ay ang pamagat ng blog na eto. But in spoken American English there are approximately 15 vowel sounds. Tama ang iyong nabasa, 15 nga at yan ay halos kalahati na ng alpabetong Filipino. Ano kaya ang iba nilang vowel sounds aside from A-E-I-O-U?

Para ma-distinguish natin ang bawat tunog ng 15 American Vowels na eto, kelangan natin gumamit ng Phonetic Transcription. May kilala ka bang Phonetic Transcriptionist? Siguro wala pa kasi  Medical or Legal Transcriptionist pa lang ang nabasa mong  job opening sa Manila Times Bulletin. Kung wala ka pa kilala let me introduce to you our Phonetic Transcriptionist and her name is Merriam Webster Dictionary.

Kung gusto mong i-transcribe ang salitang image, ganito mo sya mababasa /Im-Idz/. Ating buklatin si kumareng Merriam.




Ayon sa International Phonetic Alphabet (IPA), ang mga sumusunod ay kung paano bigkasin ang 15 American Vowels Sounds. (Hindi ko alam kung paano i-link yung sounds nya. Punta na lang po kayo dito. A-E-I-O-U Sounds)


IPA  examples    listen
ʌ cup, luck Amer
É‘: arm, father Amer / Brit
æ cat, black Amer
e met, bed Amer
É™ away, cinema Amer
ɜ:ʳ turn, learn Amer / Brit
ɪ hit, sitting Amer
i: see, heat Amer
É’ hot, rock Amer / Brit
É”: call, four Amer / Brit
ÊŠ put, could Amer
u: blue, food Amer
aɪ five, eye Amer
aÊŠ now, out Amer
eɪ say, eight Amer
oÊŠ go, home Amer
ɔɪ boy, join Amer
eəʳ where, air Amer / Brit 1
ɪəʳ near, here Amer / Brit
ʊəʳ pure, tourist Amer / Brit

Vowels pa lang yan, Pano pag may kasama ng Consonants? Nosebleed talaga ang mag-English. As usual may file video tayo from youtube





Reference: http://www.antimoon.com/how/pronunc-soundsipa.htm

Tuesday, October 26, 2010

'Till DEBT do U.S. Part

This blog story is based from the experience I gain for being a callboy from different financial institution of the U.S.
Pagtungtong ni Pakoy sa edad na18 pwede na nya gawin lahat ng gusto nya ng walang parental consent. Kasama na dyan kung saan nya gusto mag-aral? Anong modelo ang ilalabas nyang kotse? At kung saan nya itatayo ang kanyang unang bahay?

Para maisakatuaparan ang lahat ng eto, iisa lang ang kasagutan. PAGIBIG! Este tungkol sa U.S pala ang blog na eto. Syempre at the tender age of 18  hindi nya pa kaya bilhin lahat yan ng Cash. Pwera lang kung nanalo  siya sa Lotto. (May lottto ba sa U.S? Hehe.). Kaya ang sagot ni Pakoy, "Start building an excellent credit score." Simulan na ang utangan.

Wanna make friends with Pakoy? Huwag ka mag-alala hindi ka niya uutangan kasi tingin nya mas mapera siya. Yun ay dahil he is busy making money all his life. Hindi lang iisa ang trabaho nya. Pwede sya magdouble job, above job at below job sabi nga ni pareng Navarette.

Alin sa tatlo ang una nyang uutangin? pag-aaral, kotse, o bahay? Syempre kahit ako pasikat muna. Maglabas ng bagong kotse. Dahil sa U.S., walang dyip, walang tricycle at wala din pedicab. Alangan naman maglakad si Pakoy ng milya - milya sa ilalim ng araw o sa ibabaw ng snow.


Para mas makahanap ng mas magandang trabaho si Pakoy, kelangan mag-aral. Mas mataas ang pinagaralan, mas mataas ang suweldo. Therefore, mas makakabayad ng utang si Pakoy. To make dreams come true, dyan papasok ang Educational Loan. Utang na naman? Talagang ganun.

Pwede naman mag-apply si Pakoy sa  Grant at Scholarship Programs kaya lang para lang yun sa mga taong pinagkaloooban ng galing at talino. Kung wala si Pakoy nun every Semester siya mangungutang ng pang-tuition at pang-allowance. "Dont worry Mr. Pacman you're not required to make a payment while you're still in school". Sabi ng kanyang Loan Advisor.

Isipin mo na lang kung gaano kalaki ang papatong na interest sa kanyang Educational Loan after 4 or 5 years. Kaya pag-graduate ni Pakoy, matatangap na nya sa wakas ang kanyang Diploma at ang kanyang repayment plans.

Dahil sa maganda naman ang credit ratings ni Pakoy maga-apply pa sya for mortgage para magkaroon ng sariling bahay. Syempre utang pa din. Meron na syang sariling bahay, may sariling kotse at nag-aaral sa mamahilng University. Masarap sana ang ganito kaya lang isipin mo, tuwing araw ng sahod dadaan lang sa kamay mo ang pinaghirapan mo.

Kahit gaano kasipag, kung minsan kinakapos din si Pakoy kaya gagamitin ang kanyang credit card na pambayad sa utang. Ibig sabihin utang ulit ang pinang-bayad ni Pakoy sa utang nya. Ok lang sana kung malakas kumita habang buhay si Pakoy dahil parang habang buhay na din nya babayaran ang utang nya.

Kotse = 5-10 years to pay
Educational Loan = 20-30 years to pay
Bahay = 30-40 years to pay.
Credit Card = As long as you have one. 

Kaya kung lubog ka na sa utang huwag ka mag-alala  hindi ka nagi-isa. Nandyan si Pakoy, nag-rally nga sila last year eh. Sayang di ka nakasama. Panoorin mo na lang. Hulaan mo kung sino si Pakoy dyan.

Monday, October 25, 2010

Wanna be one of us?

Sa panahon ngayon, ang salitang Call center agent ay hindi na bago sa pandinig. Ngunit meron pa rin mga iba dyan na gusto malaman kung paano maging isa sa kanila.

Bakit nga ba hindi, aside from mas mataas ang sahod dito kahit sino basta marunong mag-english at magcomputer puwede. Oo, as in no age limit. Wala pang nepotism, kahit isama mo lahat ng kamag anak mo, katropa mo, at textmate mo sa pag-apply pwede.

Kung paano? Para sa inyo ang blog na eto. Panoorin muna ang file video na eto bago ipagpatuloy ang pagbabasa.


(Opps! linawin ko lang po, hindi po ako taga-PLDT. Eto po ay kung paano mag-apply sa Call Center in general.)

Gusto mo bang maging isa sa kanila? Teka tingnan muna natin kung qualified ka.

Age: 18 y/o pataas. Ano qualified ka ba? But wait theres more...

Education: At least finished 2nd year college or equivalent. Ibig po sabihin ng equivalent ay kung nag-take ka ng vocational course or associate course for two years. Kunyari Caregiver. Ano pasok pa ba? Huwag mag-alala kung ikaw ay High School Graduate lang dahil qualified ka pa din sa ibang Call Centers tulad ng ICT na ang Main Office ay sa Ortigas. Kung ikaw ay sa probinsya meron din sa Cabanatuan, dun sa Mega Mall, este Mega Center pala.

At kung ikaw ay nakapagtapos ng Graduate School tulad ng Bachelor of Laws, Masteral degree, PhD or Post Doctoral Degree. Ay, sumobra ata ako. Syempre hindi ka na mag-aapply sa call center kung ganyan na kataaas ang educational level mo. Pero kung gusto mo pa rin i-try, then you are very much welcome.

English Proficiency: Excellent! Huwag mong sabihin nagulat ka? Dapat lang na marunong ka mag-english kasi yun ang magiging trabaho mo. English would be your language most of your waking hours. Ako nga sa panaginip ko nage-English pa ako. Akala ng room mate ko inuwi ko trabaho ko sa bahay. Wahaha.

Excellent English Proficiency doesn't mean you have the American Accent. As long as you have straight, clear English which is gramatically correct, then you're qualified to join our nocturnal world.
Whew, dumugo ilong ko dun sa straight English na yun ah. Two paragraph na English, hirap nun ah.

Ano qualified ka ba? Apply na. Gusto mo refer kita? Sige email mo ako para sila na tatawag sa'yo kung nahihiya ka mag-walk in.

Saturday, October 23, 2010

As easy as A-B-C

Bata pa lang tayo tinuturuan na tayo ng ating magulang ng ABC. Akala natin magagamit lang natin eto sa elementary at spelling. At akala nyo ba madali lang ang spelling lalo na kapag ibang lahi ang kausap nyo? Kahit parehas kayong may diploma sa sa college ay hindi pa rin magkaintindihan sa pag-spell ng A-B-C?

Pakingan natin ulit



Kita nyo na pati yung supervisor di rin nya maintindihan. Kaya kung sa tingin mo madali ang spelling? Think again. Hehehe:)

Tumahimek ka

Alam nyo ba na pag minura ng customer ang isang call center agent ay pwede nya rin etong murahin. Oo, tama ang iyong nabasa PWEDE. Kaya kung minura ka ng English murahin mo din ng English, Tagalog, Ilokano o Tsabakano bahala ka na. Basta bago ka bumawi ng mura para mailabas mo ang iyong himutok ay dapat mapindot mo ang MUTE button.

Dahil pag nabigkas mo na ang di mo dapat bigkasin tsaka mo napindot ang MUTE button sabay sabi mo sa sarili mo na "ay mali" patay ka sa iyong Quality Especialist at pwede ka pang maisyiuan ng incident report. Ganito ang nangyari sa isang Tech Support ng PLDT.

Pakingan natin.



Kaya ang lesson, huwag na lang bumawi. Lagi natin iisipin na sila ay nagrereklamo for a cause. I know how it feels to be a an unsatisfied customer. And I also know how it feels when an stranger throws you word that really hurts especially when you are just doing your job.

Keep in mind that all tehse stuff are not personal. Kung galit man sila its not for you. Its just that they are calling for help.

Call Center Bloopers

Actual c0nversati0n sa isang technicaL acc0unt sa C-Cubed (Cust0mer C0ntact Center) habang nakabarge sa bidang agent na it0 yung seni0r rep ng team
niLa:

TSR: 0kay sir, Let's check if y0u wiLL be abLe t0 g0 0nLine n0w...
CUST: yes... (yes Lang ng yes kase et0ng HAPON na it0... )
TSR: type in www.yahoo.com
CUST: what? yahoo.cot?
TSR: n0 sir... yahoo.com...
CUST: yahoo.cot?
TSR: n0 sir... com... C-O-M
CUST: cot?
TSR: (asar na) .com sir!
CUST: aahhh... yahoo.cot.
----------------------------------
TSR: It's C as in CAT.
CUST: what?
TSR: C as in CAT. C-A-T... me0w me0w...
(ayuz! very specific na yan ha baka hindi m0 pa magets...)!
----------------------------------
CS: Thank you for calling... this is Candy, how may I help you?
Cust: What did you say your name was... Mandy?
CS: No, sir, it's Candy...
Cust: Sorry, can't hear ya... didja say Mandy?
CS: No, sir.. Candy, sir... Candy... as in Storck!!!
(oohhh... now I get it!!!)
----------------------------------
CS: Was that a "B" as in boy or a "B" as in bravo?
Cust: Uhhmmm... how about "B" as in boy...
(good choice...)
----------------------------------
CS: Alright, let me verify that... Was that a "G" as in golf?
Cust (with a different accent): NO! That was a "G" as! in GEBRA! (z as in zebra)
Oh, Gebra!!! like the one in the Goo?!!!... Gusme... Gon't gou get git?)
----------------------------------
CS: Yeah, sir... sir... are you there?
Cust: Yes, yes, I'm there!
(siguro naglalaro sila ng Counter...)
----------------------------------
CS: Sir, do you have NET-ESCAPE there?
Cust: Huh?... Oh!!!.. No, I have MSN IN-NERNET EXPLODER here...
(... makes sense to me!!!)
----------------------------------
TS: Ok, sir... do u have a PEN and a PENCIL ready?
Cust: What?!!
TS: Oh, Im sorry, sir... Do u have a PEN and a BALLPEN ready?...
(klap! klap! klap!)
----------------------------------
ethernet cord connected???...
Cust: Tha Hwhut??? (with alabama accent)
TS: Yung yellow cord, mheem...
(oh-oow ngee nehmeeennn..)
----------------------------------
CS: ...That's E as in I-KOW... (echo)
(oki lang yan, Dong...)
----------------------------------
CS: Come again, sir?!!!
Cust: Oh sure, baby!!!
(negro siguro kausap neto...)
----------------------------------
TS: Ok, sir, this is ano... what you'll do... you have to type the ano...the command run and ano...
(...teypows enow???)
----------------------------------
Cust: So, do i have to wait for advice regarding the delivery?
CS: Sir, the package has been delivered and all we have to do is wait POR FICK UP schedule...
(... I can PEEL it!!!)
----------------------------------
CS: I w! as hoping you can take this survey with me... Would you have the time to do that, sir?
Contact: How long is this gonna to take?
CS: Mmm.. MGA three minutes....
(ay shyet!!!)
----------------------------------
CS: ...I'd like to speak with Billy Thompson please???
Contact: He's not in. Would you like to leave a message in his voicemail?
CS: Sure, SIGE...
(ay shyet, ulet!!!)
----------------------------------
local client kaya mostly pinoy and callers, usually from visayas...
Cust: hiillo! wala kasi yung bell ng pon namin???...
CS: Hindi naman po ba nabagsak yung phone?
Cust: Hende naman...
CS: Kailan pa po ito nagsimula?
Cust: Ang alen?
CS: .Na hindi po nagri-ring yung phone?
Cust: Nagre-reng naman ah?!
CS: Di ba wala pong ring?
Cust: Hende! yong BELL!.. yong lestahan nong babayaran namin!!!...
CS: aahhh... yung BILL?!!!
(hende kase nagve-verefie mabote... tsk, tsk, tsk...)
----------------------------------
TS: Ok, sir... Could you please drag the icon UPSTAIRS?...
(... lemme try...)
----------------------------------
Cust (US): So how's the weather there?
CS: Well... it's kinda cloudy today, sir...
Cust: Oh really?!!!... So where are you located?
CS: Sir, your call has been re-routed in ORTIGAS!!!...
(... dats nir Mexico...)
---------------------------------
TS: Alright, we're going to perform a checkdisk... that is for us to see if your hard drive has errors in it.please type in C-H-K-D-S-K...
Cust: What is that again?
TS: C-H-K-D-S-K... that is... C as in Charlie... H as in Harley... K as in Karly... D as in Darley... S as in Sarley... and K as in Karly...
(gleng-gleng... bagong version...)

Source: http://www.dyoks.com/jokes/joke.cfm?jokeid=1263

Buhay Call Center

1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na
nila sayo ay "boarder" at sinisingil ka na nila sa upa mo.

2. pag sasagot ka ng telepono, lagi na lang may opening
spiel…example:*toot* …. thank you for calling (the company) this is
(your name) how may i help you?

3. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15mins break nyo, itinutulog
mo na lang para fresh pagkacalls uli, mya na yung 1 hour nap.

4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming
tao,at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way.

5. marami ka nang naiipong jacket… nakakahiya naman kung pare-pareho jacket mo araw-araw at super ginaw naman pag wala.

6. sanay kang maglakad-lakad ng nakamedyas.

7. ang tawag mo sa mga friends mo…dude, bro, coach,tl, sup.

8. di na dugo ang dumadaloy sayo… kape!

9. finefake mo na wag maging "slang" pag nagbabayad ka sa tindahan o
kaya sa jeep para wag akalain na pasosyal ka… masama pa, mas panget
pakinggan.

10. tadaaaaa! nagsasalita ka sa pagtulog mo, pati calls mo napapanaginipan mo.

11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.

12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.

13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat
lang… *sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa
trabaho eh**

15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic.

16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.

17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.

18. maski sa bahay, mabilis kang kumain.

19. hindi ka na kilala ng aso nyo

20. ayaw mo na mag-jeep. kailangan taxi or kaya aircon na bus.

21. wala ka nang alam na balita.

22. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na’t alam mong successful lahat ng ka-batch mo.

23. sasabihin mo field ng trabaho mo IT, di call center.

24. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..

25. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..

26. pag payday… olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun..:P

27. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng noon time show!

28. hindi mo na kilala ang mga bagong artista.

29. hindi mo na alam itsura ng mall…

30. di ka na maebs sa bahay, sanay ka na sa cr ng 6th floor or ibang floor.

31. madalas kulang gamit mo sa bahay dahil nasa locker

32. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!

33. alam mo kung sino si Avaya

34. sanay ka nang pumasok ng bagong gising… kakabangon lang galing sleeping lounge.

35. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT+ DEL iba ang lalabas.

36. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay.

37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig!)

38. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila

39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!

40. mabilis ka ng mag pabili ng corn bits at chicharon sa ermats mo…

41. nakapanood ka na ng rally sa Ayala

42. pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe

43. nakita mo na lahat ng klase ng vendo machine

44. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

45. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

46. sanay ka na makarinig ng napakalakas na pag singa ng sipon.

47. marami ka ng naipon na microwavable container

48. marami kang ketchup packs galing mcdo at jollibee

49. pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan  ang ibig sabihin ng ticket..

50. hindi ka na sanay umakyat ng hagdan

51. pag gumagamit ka ng cr,, di ka na nagpa-flush.. kc akala mo kusa na lulubog ebs mo.

52. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..

53. during office hours, hindi ka lalabas ng building ng walang dalang relo. baka ma-over break.

54. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo.

55. marunong ka na makipagsagutan at makipagbarahan ng english

56. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwatro ng umaga

57. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas.

58. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay clear cache at  cookies.

59. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..

60. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay

61. kala mo libre ang kape sa select…

62. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng  parking.

63. pag nag cr ka…sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl…

64. nakaipon ka na ng mouse ball sa bahay

65. nagulat ka ng masabi mo ang opening spiel mo habang nagbabayad sa jeep

66. naka id ka pa kahit nasa jeep

67. kaya mong tiisin na hindi palitan ang damit mo ng 16 hours

68. pagtinanong ng mga ka tropa mo kung ano ang sinusupport mo…
 sabihin mo msn.com (hahahaha!) kasi pag sinabi mong passport, hindi
nila alam yun.

69. mas sanay ka na mag Ctrl+C & Ctrl+V at nahihiya ka na ngayon mo lang nalaman yun.

70. madalas mo harangin ang mga calls

71. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. pag-uwi mo nandun pa rin.
72. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!

73. gusto mo nang lumipat sa makati

74. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, nagsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!

75. minumura mo pag nakatalikod kahit sinong amerikano na makita mo. *yan ung kausap ko kanina!!!**

76. pag tinatamad ka tumanggap ng tawag, matapang ka na  at alam mo na ang gagawin:

77. puro kalyo na ang wrist at daliri mo

78. sanay ka nang makipag-usap sa telepono sa bahay kahit malakas ang
TV. sa office parang limang TV ang nakatapat sayo habang may kausap.

79. pumasok ka na ng puyat, lasing at gutom

80. may picture ka ng nakasuot ng headset

81. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata. hindi pwede pahuli.

82. lahat ng style ng pagtulog maiisip mo.

83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala

84. mas gusto mo na mag warm transfer sa ibang department para makatulog ka habang naka-mute at nakikinig sa usapan nila

85. yung ex mo may kasama ng iba

86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad.

87. d2 ka na sa opisina nakakabili lahat ng gamit mo: kwintas, sabon,
shampoo, tocino, longganisa, hikaw, magazine, aso, libro, tshirt,
prepaid card, eload, dvd, vcd, yema, corn bits…

88. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave

89. palaging matabang ang kape sa office

90. imposibleng hindi ka pa nakatanggap ng memo

91. gusto mo na din bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo.

92. nakakausap ka na ng pilipino sa ibang bansa

93. dami mo na naiipon na stirrer (red) galing starbucks kakabili ng kape.

94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.

95. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pagkain sa pantry.

96. dito ka lang makakakita ng pinagsama-samang tinda na: medyas,
vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng
pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant,
kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags
wallet, sinturon, mamon, hamon…

97. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda  hotel’s pancit canton, wendy’s. north park, starbucks

98. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa.

99. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!!!

100. may bago kang damit kada sweldo dahil takot ka makarinig nanaman na paulit-ulit ang suot mo.

101. Lahat ng kaibigan mo kinakahiya at minamaliit nila ang ginagawa mo… Pero pag dating sa araw ng sweldo nagpapalibre sayo.

102. Lahat ng nanglalait sayo na sa call center ka nag tratrabaho, ngayon nakikita mo sa lobby na nag-aapply.

103. Eto na ang tinuturing mong Buhay!
Source: http://grejeabangan.blog.friendster.com/2008/04/buhay-call-center/.