This blog story is based from the experience I gain for being a callboy from different financial institution of the U.S.
Pagtungtong ni Pakoy sa edad na18 pwede na nya gawin lahat ng gusto nya ng walang parental consent. Kasama na dyan kung saan nya gusto mag-aral? Anong modelo ang ilalabas nyang kotse? At kung saan nya itatayo ang kanyang unang bahay?
Para maisakatuaparan ang lahat ng eto, iisa lang ang kasagutan. PAGIBIG! Este tungkol sa U.S pala ang blog na eto. Syempre at the tender age of 18 hindi nya pa kaya bilhin lahat yan ng Cash. Pwera lang kung nanalo siya sa Lotto. (May lottto ba sa U.S? Hehe.). Kaya ang sagot ni Pakoy, "Start building an excellent credit score." Simulan na ang utangan.
Wanna make friends with Pakoy? Huwag ka mag-alala hindi ka niya uutangan kasi tingin nya mas mapera siya. Yun ay dahil he is busy making money all his life. Hindi lang iisa ang trabaho nya. Pwede sya magdouble job, above job at below job sabi nga ni pareng Navarette.
Alin sa tatlo ang una nyang uutangin? pag-aaral, kotse, o bahay? Syempre kahit ako pasikat muna. Maglabas ng bagong kotse. Dahil sa U.S., walang dyip, walang tricycle at wala din pedicab. Alangan naman maglakad si Pakoy ng milya - milya sa ilalim ng araw o sa ibabaw ng snow.
Para mas makahanap ng mas magandang trabaho si Pakoy, kelangan mag-aral. Mas mataas ang pinagaralan, mas mataas ang suweldo. Therefore, mas makakabayad ng utang si Pakoy. To make dreams come true, dyan papasok ang Educational Loan. Utang na naman? Talagang ganun.
Pwede naman mag-apply si Pakoy sa Grant at Scholarship Programs kaya lang para lang yun sa mga taong pinagkaloooban ng galing at talino. Kung wala si Pakoy nun every Semester siya mangungutang ng pang-tuition at pang-allowance. "Dont worry Mr. Pacman you're not required to make a payment while you're still in school". Sabi ng kanyang Loan Advisor.
Isipin mo na lang kung gaano kalaki ang papatong na interest sa kanyang Educational Loan after 4 or 5 years. Kaya pag-graduate ni Pakoy, matatangap na nya sa wakas ang kanyang Diploma at ang kanyang repayment plans.
Dahil sa maganda naman ang credit ratings ni Pakoymaga-apply pa sya for mortgage para magkaroon ng sariling bahay. Syempre utang pa din. Meron na syang sariling bahay, may sariling kotse at nag-aaral sa mamahilng University. Masarap sana ang ganito kaya lang isipin mo, tuwing araw ng sahod dadaan lang sa kamay mo ang pinaghirapan mo.
Kahit gaano kasipag, kung minsan kinakapos din si Pakoy kaya gagamitin ang kanyang credit card na pambayad sa utang. Ibig sabihin utang ulit ang pinang-bayad ni Pakoy sa utang nya. Ok lang sana kung malakas kumita habang buhay si Pakoy dahil parang habang buhay na din nya babayaran ang utang nya.
Kotse = 5-10 years to pay
Educational Loan = 20-30 years to pay
Bahay = 30-40 years to pay.
Credit Card = As long as you have one.
Kaya kung lubog ka na sa utang huwag ka mag-alala hindi ka nagi-isa. Nandyan si Pakoy, nag-rally nga sila last year eh. Sayang di ka nakasama. Panoorin mo na lang. Hulaan mo kung sino si Pakoy dyan.
No comments:
Post a Comment