Sa panahon ngayon, ang salitang Call center agent ay hindi na bago sa pandinig. Ngunit meron pa rin mga iba dyan na gusto malaman kung paano maging isa sa kanila.
Bakit nga ba hindi, aside from mas mataas ang sahod dito kahit sino basta marunong mag-english at magcomputer puwede. Oo, as in no age limit. Wala pang nepotism, kahit isama mo lahat ng kamag anak mo, katropa mo, at textmate mo sa pag-apply pwede.
Kung paano? Para sa inyo ang blog na eto. Panoorin muna ang file video na eto bago ipagpatuloy ang pagbabasa.
(Opps! linawin ko lang po, hindi po ako taga-PLDT. Eto po ay kung paano mag-apply sa Call Center in general.)
Gusto mo bang maging isa sa kanila? Teka tingnan muna natin kung qualified ka.
Age: 18 y/o pataas. Ano qualified ka ba? But wait theres more...
Education: At least finished 2nd year college or equivalent. Ibig po sabihin ng equivalent ay kung nag-take ka ng vocational course or associate course for two years. Kunyari Caregiver. Ano pasok pa ba? Huwag mag-alala kung ikaw ay High School Graduate lang dahil qualified ka pa din sa ibang Call Centers tulad ng ICT na ang Main Office ay sa Ortigas. Kung ikaw ay sa probinsya meron din sa Cabanatuan, dun sa Mega Mall, este Mega Center pala.
At kung ikaw ay nakapagtapos ng Graduate School tulad ng Bachelor of Laws, Masteral degree, PhD or Post Doctoral Degree. Ay, sumobra ata ako. Syempre hindi ka na mag-aapply sa call center kung ganyan na kataaas ang educational level mo. Pero kung gusto mo pa rin i-try, then you are very much welcome.
English Proficiency: Excellent! Huwag mong sabihin nagulat ka? Dapat lang na marunong ka mag-english kasi yun ang magiging trabaho mo. English would be your language most of your waking hours. Ako nga sa panaginip ko nage-English pa ako. Akala ng room mate ko inuwi ko trabaho ko sa bahay. Wahaha.
Excellent English Proficiency doesn't mean you have the American Accent. As long as you have straight, clear English which is gramatically correct, then you're qualified to join our nocturnal world. Whew, dumugo ilong ko dun sa straight English na yun ah. Two paragraph na English, hirap nun ah.
Ano qualified ka ba? Apply na. Gusto mo refer kita? Sige email mo ako para sila na tatawag sa'yo kung nahihiya ka mag-walk in.
No comments:
Post a Comment