Thursday, November 11, 2010

Pano kung yung Crush mo may P and F Syndrome?

 
Nakita mo yung crush mo na may kausap sa bago nyang cellphone. Lalapitan mo sana sya para magpa-impress kaya lang naunahan ka pa nya magpa-impress kasi bigla nyang in-english yung kausap nya nung alam nyang papalapit ka na.

Nakatingin ka na sa kanya at bumubilis ang pintig ng iyong puso habang papalapit ka sa kanya ng marinig mo yung sinabi sa kausap nya " BE NICE TO PAT FIFOL". Hindi ka makapaniwala sa narinig mo kaya lalo mo pinagbuti ang pakikinig habang kunyari may ka-text ka at sabi pa sa KAUSAF nya "Yes I will watch Manny FACQUIAO PIGHT  we have FAY-FER-BIEW FREMIERSIF FLUS matches.

Nagdalawang isip ka ngayon na lapitan sya kasi di pa sila tapos ng kausap nya sa cellphone kaya nginitian mo na lang sya. Ngumiti rin naman sya sayo at binati ka pa nga ng "HI PREN". Babalikan mo pa kaya sya pagkatapos ng kausap nya o TURN OPP ka na? Hindi FA? FANOORIN mo to para ma-PEEL mo ibig ko sabihin.



A PROPER CUP OF COFFEE IN A PROPER COPPER COFFEE POT.

Pati mga kano hirap din. Hehe. Ang mahirap sa P and F syndrome hindi natin alam na meron tayo nito hangang sa may iba makapagsabi sa atin. At kapag meron ka nito, naku po, huwag mo muna balakin mag-apply sa Call Center. Attend ka muna ng Call Center Training at smile lang muna sa crush mo para hindi mapurnada ang diskarte.

No comments:

Post a Comment